Higit sa 150 estudyante ng Ateneo De Manila University ang nag-anunsyong magpo-protesta sa paraan ng hindi pagpasok sa kanilang klase.
Kinumpirma ito sa official student newspaper ng ADMU na The Guidon.
Sa ulat, higit 150 Atenista ang pumirma sa mass student strike, na nagsasabing hindi sila magsusumite ng alinmang school requirement simula Nobyembre 18 hanggang hindi natutugunan ng national government ang demand ng publiko para sa maayos na response sa pandemya at mga kalamidad.
“We cannot sit idly by and do our modules, ignoring the fact that the Philippine nation is in shambles. We sacrifice what we have (that is, our access to education) for those who do not share our privileges.” nakasaad sa statement ng mg estudyante.