Bibigyan ng passing mark ng Ateneo de Manila Universtiy ang kanilang mga estudyante at bibigyan ng refund ang kanilang tuition fee sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa memo na inilibas ng unibersidad, automatikong makakapasa ang non-graduating students sa kanilang mga subject at promoted na sa next school year.
Ang mga graduating student naman ay makakatanggap din ng passing mark ngunit maaari silang mag-request ng kanilang letter equivalent sa kanilang grades ngayong semester. Cleared na rin sila para sa graduation.
“Giving a P (passing) mark is the most humane way of dealing with student grades under the circumstances we are in, where it is difficult and unfair to make a judgment of failure considering that students have not been given the benefit of a full semester to improve their performance.”
Makakatanggap din sila ng P20,000 refund sa tuition fee at 60% refund sa kanilang laboratory fees na mapoproseso sa pagtatapos ng semestre.
Matatapos ang kanilang second semester sa May 8.