Asteriod na naka-face mask dadaan sa Earth

Isang asteriod na may 1.2 miles ang lawak ang lalapit sa Earth sa susunod na linggo.

Base sa mga imahe ng Arecibo Observatory in Puerto Rico, ang nasabing asteriod ay parang naka-suot ng face mask.

Arecibo Asteroid

Ang asteriod na ito ay ang 52768 (1998 OR2), na unang nakita noong 1998.

Kung ang nasabing malaking asteriod ay tatama sa mundo, magkakaroon ito ng malaking epekto sa mundo.

Ang paglapit nito sa mundo ay magaganap sa Miyerkoles, April 29, ng 5:56 a.m. ET.