Assunta de Rossi pinakita ang baby sa IG

Sobrang happy si Assunta de Rossi na i-share ang updates ng kanyang pregnancy.

Sa Instagram, pinakita nito ang ultrasound photos ng baby.

Assunta de Rossi baby ultrasound

“I’m feeling a bit emotional because the last time I had a scan, the baby was as small as a jellybean, if not smaller,” caption nito.

Nasa fifth month na si Assunta sa kanyang pinagbubuntis.

Sixteen years ng kasal si Assunta kay former Negros Occidental congressman Jules Ledesma.

Nitong May, inanunsiyo niyang natupad na ang kanyang pangarap na maging ina.

Open siya sa publiko na may pinagdadaanan siyang myoma and endometriosis kaya nahirapan itong makabuo.