Aso na may ‘attitude’ nag-viral

Viral ang aso na si GD Boy dahil sa kanyang pose na may ‘attitude’.

Ayon kay Alaniz Litao ng Bulakan, Bulacan, na-rescue niya si GD Boy noong 2018.

Alaniz Litao dog attitude

Noong sinagip niya ito ay mahinang mahina ang aso at mukhang mamamatay na, ngunit nang iuwi niya ito ay bigla itong lumakas.

Hindi naman inaasahan ni Alaniz na magvi-viral ang picture ng kanyang alaga pero masaya siya na may napapasayang tao ang kanyang alagang aso.