Asian version ng ‘Pretty Little Liars’ maaari ng mapanood

Ang Asian adaptation ng american drama series na ‘Pretty Little Liars’ ay maaari ng mapanood sa video streaming provider na Viu.

Ang adaptation ay isang 10-part series na ginawa sa Bali, Indonesia.

Pretty Little Liars Viu

Ang serye ay umiikot sa misteryosong pagkawala ng isang babaeng estudyante.

Nagkataon na nagkasama-sama muli ang kanyang apat (4) na kaibigan pagkatapos ng isang taon kung saan ang mga ito ay nagsimulang makatanggap ng mga mensahe galing sa isang misteryosong stalker na nagngangalang “A”, habang sila ay tinatakot na ilalantad ang kanilang mga pinakatatagong mga sikreto.

Ang mga gaganap sa serye ay mga sikat na Indonesian actors na sina Anya Geraldine, Eyka Farhana, Valerie Thomas at Shindy Huang.

Ang orihinal na ‘Pretty Little Liars’ ay pinagbidahan ng mga Hollywood actors na sina Troian Bellisario, Ashley Benson, Lucy Hale, at Shay Mitchell.

Ang naturang serye ay tumakbo mula 2010 hanggang 2017, kung saan tumagal ito ng pitong (7) season.