Asawa ni Jaya naka-recover na sa stroke

Jaya latest newsNasa stable condition na si Gary Gotidoc, asawa ni singer Jaya, matapos magka-mild stroke noong nakaraang linggo.

Sa Instagram post ni Jaya, nagpasalamat ito sa Panginoon matapos itong maospital ng tatlong araw.

“Honey, you are so blessed. A mild stroke, but no paralysis. Blood has thinned. Heart is good. Blood sugar controlled. Now we are out of the dark. You are the hardest man I know. And I thank God that you are still whole and with us. Now let’s go home and worship the Lord! We love you so much.”

Nagpasalamat din ito sa lahat ng nag-alaga sa kanyang asawa.

Ise-celebrate ngayong taon nina Jaya at Gary ang kanilang 14th wedding anniversary sa Mayo.