Asawa ng Canadian PM positibo sa COVID-19

Justin Trudeau wifeNagpositibo sa coronavirus ang asawa ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na si Sophie Gregoire-Trudeau.

Ayon sa inilabas na statement, maayos naman ang kalagayan nito at pansamantalang naka-isolate.

Samantala, maayos naman ang kalusugan ng Prime Minister, walang kinakitaang sintomas ngunit sasailalim din sa isolation sa loob 14 araw.

Matapos umattend ng speaking engagement sa Britain, nakaranas si Sophie ng mababang lagnat at agad sumailalim sa COVID-19 testing.