Nagkansela ng kanyang appearance si American alt-R&B star Sabrina Claudio sa Wanderland music festival 2020.
Kilala si Claudio sa kanyang kantang ‘Belong To You’ at ang kanyang ‘Rumors’ duet kay Zayn Malik.
Humingi ng paumahin ang singer dahil nagkaroon umano ng ‘routing conflicts’ at naapektuhan din ang ilan niyang tour dates sa Asia.
Siya ay pangalawang artist na nagkansela ng appearance sa nasabing festival kasunod ni Welsh singer Novo Amor, dahil sa pagkalat ng coronavirus.