Arogante, iresponsable! Angkas CEO ideklarang persona non-grata – Sen. Pimentel

Angeline Tham AngkasHinimok ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang Senado na ideklarang ‘persona non grata’ ang Angkas chief executive officer Angeline Tham.

Ito ay bunsod ng diumano’y pagtutulak ng Singaporean businesswoman allegedly na magdaos ng rally para iprotesta ang mga polisiyang hindi pumapabor sa Angkas na nagdulot ng matinding trapiko sa capital region.

Ang apela ay ginawa ni Pimentel sa pamamagitan ng ipinasang resolution na nagtutulak kay Tham bilang persona non grata.

“Misleading ’ ‪#SaveAngkas‬ rally: Her acts of deriding our sovereign laws is high-handed, arrogant & irresponsible, which should not be countenanced but condemned to the fullest,” bahagi ng resolusyon ni Pimentel.

Iimbestigahan din Senado ang pagiging arogante at iresponsable ng Angkas chief, base sa nilalaman ng kanyang Senate Resolution No. 287 na may petsang Ener 16, 2020.

“Tham is merely a guest of our country, yet she is already acting like an oligarch which she seems hell-bent on becoming at our expense,” Pimentel’s resolution read.

“Her acts of deriding our sovereign laws is high-handed, arrogant and irresponsible, which should not be countenanced but condemned to the fullest,” ayon pa sa Senador.