Isang mataas na opisyal ng Philippine Army ang nagbigay-linaw sa isyung pananakit ng aktor na si Matteo Guidicelli sa mismong araw ng kasal nito kay Sarah Geronimo.
Ayon kay Philippine Army Public Affairs Chief Lt. Col. Demy Zagala sa isang social media post, walang nangyaring sapakan sa kasal nina Sarah at Matteo.
Giit ng opisyal, walang pananakit na nangyari kundi nabigo lamang ang bodyguard na protektahan si Geronimo.
Sa halip umanong protektahan ng bodyguard si Sarah ay ito pa ang pinagmulan ng eksena sa kasalan.
“The close in security caused trouble yet insisting to remain in the service of Sarah. As a close in security, his job is to protect Sarah from embarrassment. But it turns out he is the cause of the embarrassment. Thus failure of his mission as protective detail,” komento ni Zagala.
Matatandaang matapos ang kasal ay nagpa-blotter sa Taguig Police ang bodyguard ni Sarah na si Jerry Tamara at inakusahan nito si Matteo na nanapak umano sa kanya ng aktor nang isumbong niya sa ina ng singer na si Mommy Divine ang lihim na pagpapakasal ng dalawa.
Mariin namang itinanggi ni Matteo ang alegasyon.