Arjo, Maine lagare sa weekend party

Wala nang kaarte-arte ang relasyon ng sweethearts na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde.

Sa Instagram na Nicomainefiles ay makikita ang sweetness overload ng couple na tila ayaw nang maghiwalay.

Dalawang event ang dinaluhan ng sweethearts nitong weekend.

Una ay ang 1st birthday ng pamangkin ni Maine na si Aria.

Arjo Maine
(IG)

Mukha ring welcome na sa pamilya ni Maine si Arjo dahil kasa-kasama ito sa mga larawang ni Maine at mga kapatid.

Arjo & Maine
(IG)

Pangalawa ay ang birthday party ng talent manager na si Ram David.

Super sweet ang dalawa sa mga naka-post na mga pics na isang indikasyon na wala na silang iniiwasan kahit makita silang sobrang sweet sa harap ng camera.