Ariana Grande, Justin Bieber nag-collab sa COVID-19 fundraising

Nag-collab sina pop royals Ariana Grande at Justin Bieber sa fundraising para sa mga anak ng frontliners na nakikipaglaban sa coronavirus.

Nitong Biyernes, ni-release nila ang kantang ‘Stuck With U’ na shot-from-home music video nina Ariana at ng kanyang aso, kasama na rin ang kanyang rumored new boyfriend, habang si Justin naman ay ang kanyang asawa na si Hailey Baldwin.

Kasama sa mash up ang ilang celebrities gaya nina Kylie at Kendall Jenner, NBA star Stephen Curry, Chance the Rapper at Gwyneth Paltrow.

Ilang clips din ay gawa ng mga fans, kasama ang kanilang mga pets, may hawak na signs na nagpapasalamat sa mga frontliners, at ang iba naman ay naka-prom dress pa.

Ang malilikom na pondo ay mapupunta sa First Responders Children’s Foundation, na nagbibigay ng scholarship para sa mga anak ng frontliners.