Inanunsiyo ni Ariana Grande na ilalabas na ang official ’34+35′ remix kasama sina Doja Cat at Megan Thee Stallion ngayon Friday, January 15. Una nang pinost ni Grande ang 16-second video clip ng isang vintage TV set kung saan pini-play ang chorus ng kanta, at makikita ang silhouette ni Grande kasama ang dalawang mystery individuals.
Mabilis naman nahulaan ng mga Arianators ang guests ng nasabing kanta.
Isang Twitter user ang nag-share ng screen recording ng Instagram Live ni Doja habang nagra-rap.
Nitong Huwebes kinumpirma ni Grande ang mga hulaan ng netizens sa teasers na ni-release. “tonight… @dojacat @theestallion,” tweet ni Ariana.