
Nagsalita na ang ex-fiance ni Ariana Grande na si Pete Davidson tungkol sa kanilang hiwalayan.
Sa interview ni Charlamagne Tha God, pinag-usapan ni Pete ang kanyang high profile relationships, kasama ang engagement niya kay Ariana.
Nag-date ang dalawa noong May 2018 matapos ang breakup ni Ariana kay Mac Miller.
Na-engage ang dalawa noong June 2018 ngunit nag-break sila ng September nang mamatay si Mac Miller dahil sa ‘drug toxicity’.
“I pretty much knew it was over after that,” sey niya sa kanilang relasyon ni Ariana.
Ayon pa kay Pete, mahal na mahal umano ni Ariana si Mac at nag-offer siya na samahan ang singer hanggang sa maka-move on ito sa pagkamatay ng rapper.
