Arci Muñoz reservist

Nagpa-enlist na si Kapamilya star Arci Munoz para maging Air Force reservist.

Siya ang kauna-unahang female celebrity ng kanyang henerasyon na maging reservist sa Philippine military.

Nitong Philippine Independence Day, binagi nito sa Instagram na nagsimula na siya sa basic citizen’s military training.

“Maligayang Araw ng Kasarinlan mahal kong Pilipinas! Ngayon araw din ang aking unang pisikal na pagsasanay bilang kauna-unahang babae sa aking henerasyon at propesyon na sumasailalim sa #philippineairforce reservist BCMT – Basic Citizen Military Training.”

Ilan sa mga female celebrity na reservist ng bansa ay sina Vilma Santos at Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez.