Worth it ang mga sugat na tinamo ng aktres na si Arci Munoz sa kanyang training bilang reservist ng Philippine Air Force (PAF).
Ito ay matapos siyang magtapos ng training at isa ng Sergeant.
Ipinakita ni Arci sa kanyang Instagram post ang mga sugat sa hita na tinamo sa training.
Awang-awa ang netizens sa mga sugat ni Arci sa hita pero ayon kay Arci marami siyang natutunan sa training at magsisilbi itong inspirasyon sa kanyang buhay.