Ara Mina nag-bake para sa frontliners

Nag-donate si Ara Mina ng kanyang desserts para sa COVID-19 frontliners.

Ang aktres ay owner ng ‘Hazelberry’ na isang cafe business.

Ara Mina donationNakapagbigay na ito ng cupcakes at cakes sa mga healhcare workers, pulis at military officers sa Pasig Doctors Medical Center, Angeles Pampanga Police Station 5, AFP Medical Center at San Mateo Rizal checkpoint.

“Eto lang mahe-help ko somehow sa frontliners natin, simpleng desserts na I baked from the heart para naman magka-energy sila,” ayon sa post nito sa Instagram.

Nakapagbigay na rin sila ng kanyang business partner ng groceries sa kanilang mga empleyado.

“Tulungan lang po tayo hangga’t sa makakaya. We’re giving our best effort. Donating also to some friends na nagreraise ng funds. Still thinking of how we can help pa while still working from home for @hazelberryofficial para kahit papaano may maitulong pa tayo sa ating kapwa. We can do this everyone!