Ara Mina, Cristine Reyes at pamilya nag-bonding sa ‘Unforgettable’

Family day ang Sunday para sa magkapatid na aktres na sina Ara Mina at Cristine Reyes.

Kaya naman sinamantala nila ang pagkakataon kasama ang mga anak at ibang miyembro ng pamilya para manood ng ‘Unforgettable.’

Isa si Ara Mina sa cast ng ‘Unforgettable’ na pinagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Isang video na ipinost sa Instagram account ni Ara ang pruweba ng masayang bonding ng pamilya.

Hindi maitago ng premyadong aktres na si Cristine ang paghanga sa pelikula ng kanyang ate.