Apple naglabas ng bagong iPhone sa COVID-19 pandemic

iPhone SEInanunsiyo ng Apple ang kanilang bagong iPhone model sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ang updated version ng iPhone SE ay nagkakahalaga ng $399, o kalahati ng kanilang normal flagshio devices na maaari nang ma-order sa Biyernes.

Ang nasabing ‘budget’ iPhone ay humihikayat sa mga consumers sa kabila ng pagbaba ng ekonomiya sa buong mundo.

May sukat na 4.7 inches diagonally — mas malaki ito sa naunang iPhone SE ngunit mas maliit sa mga bagong model na inilabas na ng Apple.

Isa sa features nito ay facial recognition, fingerprint sensor at home-screen button.