PRRD Rodrigo Duterte SONA 2020

Mas pinalalala ng krisis sa pamamahala ng gobyernong ito ang krisis sa COVID-19.

Instead of laying down a comprehensive plan for the country to combat COVID-19, the President opened his SONA by assailing his critics and ranting about his personal grudge against the media.

Clearly, walang maayos na plano. Ito ang pahayag ni Senador Risa Hontiveros kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Hirit ni Hontiveros, COVID-19 ang kalaban, hindi ang taumbayan, hindi ang mga aktibista at hindi ang media.

“The president’s SONA was not a SONA. It was not the state of the nation, it was not even an address. Hindi iyon ang totoong estado ng bansa,” dagdag nito.

Sa umpisa palang ng talumpati ng Pangulo, puro pagbanat sa mga oligarchy ang siniwalat aniya ng Pangulo ngunit sino ang papalit sa mga oligarchies na na-dismantle.

Maliwanag din aniya na na-mishandle ng gobyerno ang pag-responde sa pandemya.

The government wasted the past four months of lockdowns and community quarantines. Sa lahat ng ito, kailangang may managot.