Anti-polio bakuna dagdag pahirap sa mga OFWs

Para masiguro ang kaligtasan ng kalusugan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na bibiyahe sa ibang bansa para magtrabaho ay idinagdag sa kanilang requirements ang pagsailalim ng mga ito sa anti-polio vaccine.

Kaya naman madaling araw pa lamang ay nakapila na ang mga OFWs na magpapabakuna ng anti-polio sa tanggapan ng Bureau of Quarantine sa Port Area, Manila.

Bureau of Quarantine

Ang pagpapabakuna ng anti-polio ay isa sa hinihinging requirements bago payagang mangibang bansa ang mga OFWs.

Layon din nitong pigilan ang pagkalat ng viruus sa pupuntahang bansa ng mga OFWs.

Gayunman ay may mga OFWs na umaangal sa patakarang ito dahil dagdag abala bunsod ng napakahabang pila at karagdagang gastos din ang pagbiyahe nila patungo sa Bureau of Quarantine.