Anti-corona bouquet patok sa Cebu

Nakapamili na ng lucky winners ang isang lalaking naglunsad ng kakaibang gimik para sa nalalapit na ‘Valentine’s Day’.

Ang pakontes ay inilunsad sa Facebook ng netizen na si Rigel Thomas.

Anti-corona bouquet

Simple lang ang pakontes ni Rigel kung saan ay nag-post ito bitbit ang isang bouquet na tinawag niyang ‘anti-corona bouquet’ na naglalaman ng mga bagay na maaring panlaban para makaiwas sa kumakalat navcoronavirus kagaya ng anti-bacterial soaps, alcohol spray, facial masks, at N95 mask.

Basehan ng pakontes ay ang pag-like sa kanyang post patungkol sa pamimigay ng ‘anti-corona bouquet.

Namili ng limang winner si Thomas sa mga nag-like sa kanyang post.

Kaya naman matapos ang ilang araw na pakontes ay may nanalo nang limang winner mula sa Cebu City na kinilalang sina  Matapos ang isang linggo ay  Camille Therese , Via Empinado, Mary Joy Carato, Lianna Luxe at Gwynn Matas.