Antartica nilulumot sa climate change

Ilang bahagi ng Antarctic Peninsula ang magiging ‘green snow’ sa pagkalat ng algae dahil sa pagtaas ng temperatura sa mundo.

Nag-obserba ang mga researcher ng University of Cambridge and the British Antarctic Survey para ma-detect ang dami ng green algae sa kontinente.

Napag-alaman na mayroong 1,600 green algae ang nagkalat na namumuhay sa snow, na may kabuuang sukat na 1.9 square kilometres.

Nakalap din nila na ang nasabing algae sa peninsula ay naka-absorb na ng carbon dioxide katumbas ng nilalabas ng 875,000 na sasakyan.

Dahil sa patuloy na pag-init ng temperatura sa Antartica, asahan na lalo pang mababawasan ang snow sa kontinente.