Ansel Elgort naghubad para makalikom ng pondo

Ansel Elgort nudeTinanggal ni Hollywood actor Ansel Elgort ang kanyang nude photo matapos makataggap ng reklamo sa Instagram.

Nag-pose ng nakahubo ang ‘The Fault In Our Stars’ actor sa shower at tinakpan lang ang kanyang pagkalalaki gamit ang kamay, para makalikom ng donasyon sa COVID-19.

“OnlyFans LINK IN BIO,” caption niya sa kanyang photo, na tinutukoy ang website kung saan maaaring pagkaperahan ang explicit content.

Ngunit ang link sa bio ng aktor ay isang GoFundMe page ng ‘Brooklyn For Life!’ na isang project raising fund na nagde-deliver ng pagkain para sa Brooklyn frontliners.