Anong espesyal sa ABS-CBN? GMA, TV-5 walang ingay sa franchise renewal

Ipinagtataka ni House Speaker Alan Peter Cayetano kung bakit naging malaking isyu ang pagre-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

Sinabi ni Cayetano sa isang panayam kahapon na ” bakit walang ganitong clamor nung binigyan ng prangkisa ang Channel 5 (TV-5) ni Manny V. Pangilinan at Channel 7 (GMA) ng mga Guzon.”

Paliwanag ni Cayetano, katulad ng ABS-CBN na nahaharap sa maraming problema ay ganundin ang kaso ng TV-5 at GMA 7.

” Hindi totoong walang issue doon (TV-5, GMA 7). Na-resolve lang,” ani Cayetano.

Iginiit pa ng House leader na nauunawaan niya ang concern ng marami sa press freedom.

“I understand the angst or concern for those who are fighting for press freedom, pero it’s not an open-close case of press freedom, it’s also accountability to our present laws, especially election laws,” paliwanag pa ng House Speaker.

Binanggit din ng mambabatas na sa ngayon ay wala pa siyang naririnig na umaalma mula sa 11,000 mga empleyadong tatamaan sakaling tuluyang maipasara ang higanteng TV network.

Sakali naman aniyang ipilit ang pagdinig sa panukala ay maraming mapapabayaang trabaho ang Kongreso.

“Kung tayo’y mag-hearing ngayon, it will suck all the energy of the 18th Congress.

Mapapabayaan ang ibang importante,” dagdag nito.