Inamin ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla na ang nobyang si Kathryn Bernardo na ang kanyang pakakasalan sakaling maging handa na silang lumagay sa tahimik.
Sa panayam ni Boy Abunda sa TWB sa ABS-CBN kay Daniel ay inusisa ang aktor sa kanyang buhay pag-ibig.
Nang tanungin ang aktor kung napag-uusapan na ba nila ni Kathryn ang pagpapakasal ay umamin ito.
Gayunman ay sinabi ng binata na lalagay sila sa tahimik ng nobya bago siya dumating sa edad na 30.
Wala ring prenong ibinahagi ni Daniel na beach wedding ang klase ng kasal na nais niyang ibigay sa nobya.
Ang aktor ay 24 taong gulang na habang 23 naman ang kasintahang si Kathryn.