Ano ang kinatatakutang CORONAVIRUS at mga TIPS para makaiwas dito

Ang mga Coronaviruses ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso, nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga/respiratoryo (SARS).

Madalas maging sintomas ng mga viral infections na ganito ang pagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ng katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo.

Sa halos lahat ng kaso, tumatagal ito ng ilang araw bago nawawala.

 

Tips para makaiwas sa coronavirus

  • Ugaliing maghugas ng mga kamay at gumamit ng sabon
  • Gumamit ng alcohol o sanitizer
  • Gumamit ng face mask
  • Siguraduhing takpan gamit ng panyo ang bibig o ilong kapag uubo
  • Umiwas sa mga taong may sintomas ng lagnat
  • Huwag lumapit sa mga hayop ng walang proteksyon