Anne, Erwan pinakita ang kanilang baby

Pinakita ng celebrity couple na si Anne Curtis at Erwan Heussaff ang kanilang ‘little bunny’ na si Dahlia Amelie nitong Easter Sunday.

“Happy Easter from our little bunny and blessing. This means that anyone who belongs to Christ has become a new person. The old life is gone; a new life has begun. 2 Corinthian 5:17,” ang caption ng post ni Anne sa kanyang Instagram account.

Anne Erwan baby

Enjoy naman ni Erwan ang kanyang pagiging full time dad, flortist at photographer ng kanilang panganay.

“Embracing my new role as a full time dad/florist/baby photographer.”

Pinanganak ni Anne ang kanilang baby girl noong March 2 sa Australia.