Anne Curtis naging emosyonal sa “It’s Showtime”

Noong Lunes, Nobyembre 11, opisyal na inanunsiyo ni Anne Curtis ang kanyang pagbubuntis sa afternoon show na “It’s Showtime”.

“Lalo nang magiging espesyal ang November sa akin because I’m happy to announce that Erwan and I are expecting. I’m pregnant… Magiging mommy na ako!” saad ni Anne.

“Erwan (Heussaff) and I are very, very happy. Again, maraming, maraming salamat to everyone.

The overflowing love talaga na we received after announcing yesterday…

Maraming salamat for the love, madlang people, na binigay ninyo yesterday sa akin, sa asawa kong si Erwan, and for my little one.”

Unang inihayag ni Anne ang kanyang pagbubuntis sa social media kung saan pinakita nito ang kanyang baby bump noong Linggo, Nobyembre 10.

Nagpaliwanag din si Anne kung bakit nila itinago ni Erwan ang kanyang pagbubuntis.

“We wanted to keep the baby for us muna. It was really such a nice journey. Medyo nahirapan din kami noong una, kung paano ko ba hindi maipapahalata. Pero ang galing din kasi hindi rin siya muna nagpakita masyado. Pero it was nice just to share with Erwan and I. It was our little secret.”

Masayang masaya naman ang kanyang “It’s Showtime” family sa pagbubuntis nito.