Anne Curtis baby

Nanatiling most followed Pinoy celebrity si Anne Curtis sa Instagram nang umabot na sa 15 million ang followers nito noong Biyernes.

Binahagi ni TV host-actress ang photo milk picnic nila ni baby Dalia para i-celebrate at pasamalatan ang mga followers.

“Sending out 15 MILLION thank you’s to my Instagram fam,” caption ni Anne.

“Thank you for all the love as I share bits and pieces of my life with you — like how my darling Dahlia can now stand tall on her little legs with a bit of help from her mumma.”

Nasa Australia ngayon nananatili ang actress kasama ang asawa na si Erwan Heussaff simula nang manganak ito noong Marso.