Anne Curtis, 5-buwan buntis na!

Kinumpirma na ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis ang pagdadalantao ng aktres.

Kaya naman double celebration ang mangyayari sa Nobyembre 12, wedding anniversary ng mag-asawa at ang pagbubuntis ng actress/host ng ‘It’s Showtime’.

Ang aktres ay limang buwang buntis na ayon sa ulat.

Ang magandang balita ay ibinahagi ni Anne ngayong araw, Linggo (Nobyembre 10) sa social media.

Sa Instagram ay ganito ang mensahe ni Anne kay Erwan: I think you should know something… . Another reason to love November.. @erwanheussaff

Music: Nothing’s Gonna Hurt You Baby by cigsaftersex

Kalakip ng nasabing mensahe ay isang video ng mag-asawa.

Sobrang saya naman ng mga fans ni Anne sa pagdadalang tao nito.

May pagbabanta pa sa co-host nito sa ‘Its Showtime’ na si Vice Ganda na itigil na ang pambu-bully sa aktres.