Anne Curtis at Jinkee Pacquiao nag-fangirl sa kanilang favorite Korean actors

Natupad na ang wish ni Anne Curtis na makita ang Goblin star na si Gong Yoo sa store opening ng Louis Vuitton Maison sa Seoul, Korea noong October 30.

Nakita rin ni Anne si Oh Se-hun na pinakabatang miyembro ng sikat na Kpop band na EXO.

Si Jinkee Pacquiao naman at ang kanyang pamilya ay nakita si Korean star Ji Chang Wook sa set ng “Melting Me Softly” na recent show ng aktor.

Nagbigay ng regalo si Jinkee na coffee truck na may banner na “Jinkee and Ji Chang Wook Forever” at boxing gloves naman ang binigay ni Manny kay Chang Wook.

Pinost ni Chang Wook ang picture nila ni Pacquiao na may caption na, “Pacquiao came to visit the scene of Softly!! Thanks!”

Unang nakita ni Jinkee si Chang Wook sa isang surprise birthday dinner na hinanda ng kanyang asawang si Manny.