Annabelle Rama, Daisy Romualdez kay Morissette Amon: Wala kang lugar sa showbiz!

Super imbiyerna ang mga talent manager at concert producers na sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez sa hindi pag-perform ng Kapamilya singer na si Morissette Amon sa isang concert sa Music Museum kung saan ay isa siya sa mga guest.

Sa isang panayam sa magkumareng talent manager nagpahayag ng pagkainis ang dalawa sa inasal ni Morissette.

https://web.facebook.com/Princessjatpasquin/videos/1773823592749056/

Sabi ni Daisy walang puwang ang katulad ni Morissette sa showbiz na unprofessional.

Hindi rin naman anya kagalingan ang singer para nagmaganda.

Para naman kay Annabelle imbes na igi-get nya sa concert na ipo-produce ang singer ay mas mabuting i-forget na lang ang kanyang plano.

Nag-ugat ang pangyayari sa isang concert ng baguhang singer na si Marc Kiel Alo kung saan ay isa si Morisette sa mga panauhin.

Dumating naman umano ang singer sa music museum pero sa hindi malamang kadahilanan ay lumayas ito at iniwan ang mga nag-aabang na manonood na concert.