Angkas rider walang puwang sa Joyride

Angkas JoyrideMistulang wala nang masusulingan ang libu-libong Angkas Rider na nakatakdang walisin sa kalye ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Ito ay matapos na tablahin ng umentrang Joyride ang ilang Angkas rider na nagtangkang sumanib sa kanilang hanay.

Sinabi ni JoyRide Vice President for Corporate Affairs Noli Eala na hindi pumasa ang ilang Angkas biker na nais lumipat sa kanilang ride-hailing platform.

“As a matter of fact our  trainers have been telling us that some of the Angkas riders have to be retrained,” ayon kay Eala.

Bagsak ayon sa Joyride sa skills assessment ang mga galing Angkas kaya kailangan nilang sumalang uli sa retraining.

Dapat muna umanong ipasa  muna ng mga Angkas rider ang lahat ng testing bago hayaang sumabak sa pagbibiyahe.