Angeline Quinto, Ria Atayde napamura sa pagbasura sa ABS-CBN franchise renewal

Iba’t ibang emosyon ang namayani sa mga Kapamilya stars na apektado ng pagbasura ng Kongreso sa franchise renewal ng ABS-CBN ng mga Lopez.

Sa botong 70 ang nagbasura sa renewal at 11 sang-ayon, 2 nag-inhibit at isang nag-abstain na mga mambabatas ay opisyal na nabasura ang aplikasyon sa renewal ng prangkisa ng Dos.

Kaya naman nagngingitngit sa galit ang ilang talent ng dos ay idinaan sa twitter ang sama ng loob.

Sa lahat ng Kapamilya stars ay agaw pansin ang pagmumura sa pangyayari nina Angeline Quinto at Ria Atayde.

“Hindi aq perpektong tao. Nasasaktan po aq. Hihingi napo aq ng tawad sainyo. PUTANG INA! ginawa niyo sa aming lahat,” post ni Angeline.

“Nakakaputangina,” komento naman ni Rian Atayde.