Angeline Quinto nagpa-swimming sa mga kapus-palad

Isa si singer Angelina Quinto sa mga generous celebrity sa Philippine showbiz.

Sa kanyang latest vlog, inimbita ni Angeline ang ilang street children sa kanyang bahay para kumain at makapag-swimming sa swimming pool ng kanyang magarbong bahay.

Ayon kay Angeline, big deal sa mga bata ang lumangoy kaya hinayaan niyang gamitin nila ang kanyang pool.

“Alam niyo sa totoo lang hindi ko naman kailangan ikahiya pero dati kasi noong bata ako naranasan ko ring maligo sa baha. Dahil mahilig ako mag-swimming kapag baha sa amin, sa kanto namin, doon kami nagtatalunan ng mga kaibigan ko,” paliwanag ni Angeline.

Nakapasok si Angeline sa showbiz industry sa pagsali nito sa singing competition na “Star Power: Sharon’s Search For The Next Female Pop Superstar.”