Angeline Quinto nagbenta ng street foods

Walang kyeme na binalikan ni Angeline Quinto ang kanyang buhay noong kabataan sa kanyang recent vlog.

Sa kanyang ‘Isang Araw na Paglalako?!’ vlog, shinare ni Angeline na dati siyang nagbebenta ng inumin at pagkain noong siya’y grade school sa Sampaloc, Manila.

 

Halatang sanay sa hirap, sisiw lang kay Angeline ang pagbebenta ng ihaw-ihaw gaya ng barbeque, isaw at dugo.

Matapos ay nagpadyak naman ito ng cart para magbenta ng palamig at fishball.

Sinubukan din ng singer ang maging Grab Food driver at pinamalas ang kanyang husay sa pagmomotorsiklo.