Nagsimula na ang summer season para kay singer Angeline Quinto at nagbakasyon na ito white sand beach ng Boracay Island.
Todo-post ng kanyang memorable trip si Angeline sa kanyang Instagram ngunit hindi nito makalimutan ang pagti-TikTok.
Sa kanyang recent video, tila may hugot ang singer na ikinatuwa naman ng mga netizen.
Makikita na tila ninanakawan ng bag si Angeline ngunit sinabi nito na ‘huwag ako, nasaktan ako, lahat na lang kinuha niyo’ na linya ni Kapamilya star Alex Gonzaga sa pelikulang ‘Nakalimutan Ko ng Kalimutan Ka’.
Humamig na ng 160,000 views ang nasabing hugot video