Angelika dela Cruz pabor sa martial law habang COVID-19 pandemic

Angelika dela Cruz MalabonPabor si actress Angelika dela Cruz sa pagdeklara ng martial law upang matugunan ang coronavirus crisis sa bansa.

Ito ay sa kabila ng takot ng ilan na magdeklara nga ng martial law o batas militar si Pangulo Rodrigo Duterte matapos mas humigpit pa ang enhanced community quarantine sa Luzon.

Para sa aktres, ang martial law ay makatutulong sa gobyerno sa pakikitungo sa mga Pinoy na matitigas ang ulo at patuloy na lumalabag sa quarantine guidlines na nagpapataas ng panganib na kumalat ang nakamamatay na sakit.

Ito ay sagot sa tanong na kanya ring itinanong sa kanyang followers sa Instagram.

Inamin ni Dela Cruz sa isang radio interview na nahihirapan siya sa kanyang nasasakupan sa Barangay Longos, Malabon, kung saan ay isa siyang barangay captain.

Ilan sa mga residente sa kanyang nasasakupan ay walang takot na nilalabag ang curfew at quarantine rules kahit mataas ang banta ng pagkahawa ng COVID-19.

View this post on Instagram

? 🇵🇭

A post shared by Angelika Dela Cruz 💜 (@angelikadelacruz) on