Angelica Panganiban, Jared Leto nag-video call

Jared Leto Angelica PanganibanNakausap ni actress Angelica Panganiban si Hollywood star Jared Leto via Instagram Live tungkol sa sitwasyon ng kanilang lugar dahil sa pandemic coronavirus.

Isa si Angelica sa mga napiling followers ni Jared na makausap through video chat, na nakikita ng libo nitong viewers.

Matapos magpakilala ni Angelica ay pinaliwanag nito na naka-self quarantine siya matapos siyang mag-shooting sa Dubai para sa pelikulang ‘Love or Money’ kasama si Coco Martin.

Pinansin naman ni Jared ang ‘interesting voice’ at accent ni Angelica na ikinatuwa naman ng aktres.

Dagdag pa nito, nami-miss na raw niya ang Pilipinas at gusto niyang bumalik dito para mag-concert, kasama ang kanyang banda na Thirty Second To Mars.

“We hope everybody stays at home, be good, protect yourself, and be safe,” payo naman nito sa lahat.