Angel walang balak tumakbo sa politika

Nilinaw ni actress Angel Locsin na walang siyang balak tumakbo bilang public official.

Sinabi niya ito habang na-live video call niya si Richard Gutierrez.

Regal Live Chat – Angel Locsin & Richard Gutierrez for I WILL ALWAYS LOVE YOU

Regal Live Chat – Angel Locsin & Richard Gutierrez

Posted by Regal Entertainment Inc. on Friday, 1 May 2020

Naka-live stream ang kanilang chat sa Facebook thru Regal Entertainment, na parte ng fundraising para sa COVID-19 relief.

Ayon kay Angel, isa na umano siyang public servant.

“I think ‘yung buhay naman namin very public. Lahat naman ‘to ginagawa namin, hindi lang para sa sarili namin, kasi gusto namin magbigay ng entertainment sa mga tao.”

Idiniin naman nito na wala siyang interes sa politika.

“Hindi talaga. Sobrang hindi. Wala sa utak ko ‘yun.”

Isa si Angel sa hinirang na “Heroes of Philanthropy” noong Disyembre, na kumikilala sa mga personalidad na tumutulong sa kanilang komunidad.