Angel, Neil aamin kung soulmate o friends turn lovers

Pakilig ang ilalabas na vlog ng magdyowang sina Angel Locsin at Neil Arce.

Pangalawang vlog na raw ito ayon sa sweethearts sa Angel and Neil Channel sa YouTube.

Topic nina Angel at Niel ay mga na-stuck sa friend zone.

Kanilang ibubunyag kung papaano nagsimula ang kanilang love story. Sabi nga ni Neil marami ang umuusisa sa kanilang relasyon.

Kung friends turn lovers ba sila o sadyang soulmates.

Kaya naman abangers na ang mga fan ng couple para malaman mismo sa dalawa ang punu’t dulo ng kanilang love story.