Angel Locsin tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Angel Locsin & Neil Arce
Angel Locsin & Neil Arce

Sa isang Facebook post, pinasalamatan ni Senator Richard Gordon ang aktres na si Angel Locsin at ang fiance nito na si Neil Arce sa pagtulong nito sa mga biktima ng lindol sa Mindanao.

Nagtungo si Angel at si Neil sa Davao del Sur para mag-donate at mag-volunteer sa pamamahagi ng relief goods at hygiene kits.

Matagal nang sinusuportahan ni Angel ang Philippine Red Cross, at patunay nito ay ang pagtulong din nito sa pamamahagi ng relief goods noong pang panahon ng pananalasa ng Typhoon Ondoy.

Isa rin si Angel sa mga volunteers ng Marawi evacuees sa kasasagsan ng Marawi siege crisis noong 2017.