Kilig much ang aktres na si Angel Locsin nang makamayan ang U2 frontman na si Bono (Paul Hewson sa tunay na buhay).
Ang dalawa ay nagkita sa headquarters ng Philippine Red Cross matapos ang isinagawang press conference para sa Zipline, ang kauna-unahang drone-based blood delivery service sa bansa na nakatakdang ilunsad sa 2020 sa Pilipinas.
Si Angel ay nagkaroon ng pagkakataon na makamayan si Bono nang ipakilala ito ng TV host na si Karen Davila na kasama ring dumalo sa presscon.
Ang kamayan nina Bono at Angel ay ibinahagi ni Karen sa kanyang twitter account.
Nang makamayan ay halos matulala ang aktres at ang tanging nasabi ay :“I’m Angel Locsin and I’m a big fan.”