Inamin ni Angel Locsin na nagsisisi ito na kinampanya niya si Senator Koko Pimentel noong 2007.
Tinawag niya pa itong ‘mortal sin’ matapos ang balita na lumabag sa COVID-19 quarantine ang senador matapos itong magpositibo sa virus.
Isang netizen naman ang tinag ang aktres sa lumang litrato kasama ang senador habang kinakampanya niya ito, at ‘Eww’ ang sinagot niya.
Ani ni Angel, kinampanya niya ito dahil ex-husband ito ng kanyang pinsan.
Dagdag pa niya, isang beses niya lang binoto si Koko at hindi na ito naulit.
Si Senator Pimentel ay kumpirmado tinamaan ng COVID-19 nitong Miyerkules, ngunit sinamahan pa rin ang kanyang buntis na asawa sa ospital.
Naglabas na ng statement ang Makati Medical Center tungkol sa iresponsableng aksyon ng senador.