Angel Locsin nagpa-surprise birthday party kay Dimples Romana

Sa 35th birthday ni Kadenang Ginto star Dimples Romana, surpresang binagyan siya ng birthday party ng kanyang best friend na si Angel Locsin.

Sa kanyang Instragram post, dinetalye niya na sobrang busy siya sa kanyang taping dahil kailangan niyang matapos mag-shoot bago lumipad ng sa Rome para sa noontime show na “Asap Natin ‘To.”

Feeling “blessed” din siya dahil mayroon siyang kaibigan na katulad ni Angel Locsin dahil sa nagawa pa siya nitong sorpresahin kahit na naghahanda ito sa kanyang kasal.

“Keeper

When you have an @therealangellocsin in your life, you are #Blessed

Sa salubong ng birthday ko, I was still taping with my KG family, tight ang schedule because naghahabol kami ng pagalis for Rome today. Im not the kind of person who expects much. Sanay ako sa sapat lang para sa amin growing up kaya hindi din ako maexpect. Masaya na ako sa tawag, text o yakap mula sa mga kaibigan ko pag birthday ko,” sey niya sa kanyang post.

Sa huling bahagi ng kanyang post ay kanyang pinasalamatan ang kanyang Kadenang Ginto family at mahal niya sa buhay.