Angel Locsin inalala si ex Miko Sotto

Angel Locsin Miko SottoHindi nakalimutan ni aktres Angel Locsin na alalahanin ang kanyang namayapag ex boyfriend na si Miko Sotto sa kanyang birthday.

Sa kanyang Instagram story, pinost nitong ang huling hantungan ni Miko na may caption na ‘Happy Birthday Miko.’

Si Miko ay namatay noong December 2003 matapos mahulog sa isang condominium.

Nananatiling close si Angel sa pamilya ni Miko, lalo na sa ina nito na si TV host Ali Sotto.

Sa ngayon ay engaged na ang aktres kay film producer Neil Arce.