Angel Locsin hinirang na ‘Heroes of Philanthropy’ ng Forbes

Kasama sa listahan na “Heroes of Philanthropy” ng Forbes Asia ang aktres na si Angel Locsin, na inilibas noong Lunes.

Angel Locsin

Saad ng Forbes, ang listahan ay nagbibigay karangalan sa mga bilyonaryo, negosyante, at kilalang tao na nakatuon sa paglutas ng mga isyu na kinahaharap ng Asia-Pacific.

Binanggit ng Forbes Asia ang adbokasya ni Locsin, katulad ng pagtulong sa mga biktima ng sakuna at noong giyera sa Mindanao.

Kasama ni Locsin sa listahan sina Jack Ma, Korean singer IU at iba pa.