Angel Locsin hinirang na Ambassador for Peace

Angel LocsinHinirang na Ambassador for Peace and Humanitarian Advocate ang aktres at philanthropist na si Angel Locsin ng Gawad Filipino Awards noong December 5.

Sa isang post sa kanyang Instagram account noong December 13, pinasalamatan niya ang organisasyon at pinakita nito ang kanyang certificate.

“Maraming salamat po Gawad Filipino Awards. Mabuhay po kayo (Thank you so much, Gawad Filipino Awards. Long live).”

Bumuhos ng congratulatory comments ang post na ito ng mga celebrity katulad nina Chito Miranda, Liza Soberano at Marian Rivera.